Panukala para sa pagkakaroon ng People’s Council, lusot na sa Kamara

By Erwin Aguilon January 26, 2021 - 03:53 PM

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para sa paglikha ng “People’s Council” sa mga lokal na pamahalaan.

Sa botong 217 na “yes” at walang pagtutol, lumusot ang House Bill No. 7950 o ang People Empowerment Act na inakda nina Speaker Lord Allan Jay Velasco at House Committee on People’s Participation Chairperson Forida “Rida” Robes.

Sa ilalim ng panukala, ang bawat miyembro ng bubuoing People’s Council sa mga lokal na pamahalaan na kinabibilangan ng civil society organization.

Maghahalal din ang People’s Council mula sa kanilang hanay ng kinatawan sa lahat ng sangay ng lokal na pamahalaan, lupon, konseho, komite, task forces, special government bodies at iba pang kahalintulad na grupo na lilikhain sa pamamagitan ng pambansa o lokal na batas.

Bibigyan din sila ng karapatang lumahok sa anumang aktibidad ng gobyerno at programa ng lokal na pamahalaan, maghain ng panukalang batas at sumali sa antas ng komite ng lokal na Sanggunian.

Lilikha rin ang panukala ng Provincial People’s Council (PPC) sa bawat lalawigan na kinabibilangan ng kinatawan mula sa munisipalidad at People’s Council ng lungsod na sakop ng kapangyarihan ng isang lalawigan.
Sa ilalim ng Saligang Batas, ang CSOs ay kinikilala bilang malaya at may sariling kakayahan bilang organisasyon na humihimok na mag-organisa ng pormal na kooperatiba, interesadong grupo, non-government organizations at iba upang maitulak ang kanilang lehitimong layunin.

Magkakaroon naman ng pagsusuri kada limang taon upang rebisahin at irekomenda ang pagsusog sa oras na masuri na ang uusbong na problema at iba pang isyu sa pagpapatupad nito.

Sinabi naman ni Robes na makatutulong ang panukala upang lalong makibahagi ang mga civil society organization sa local governance at pagbuo ng mas matibay na partnership ng pamahalaan at pribadong sector.

TAGS: 18th congress, House Bill No. 7950, Inquirer News, People Empowerment Act, People’s Council, Provincial People’s Council, Radyo Inquirer news, Rep. Rida Robes, Speaker Lord Allan Velasco, Tagalog breaking news, 18th congress, House Bill No. 7950, Inquirer News, People Empowerment Act, People’s Council, Provincial People’s Council, Radyo Inquirer news, Rep. Rida Robes, Speaker Lord Allan Velasco, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.