Ipinagbubuntis ngayon ng aktres na si Kristine Hermosa ang ikaapat nilang anak ng asawang si Oyo Boy Sotto.
Ito ang inanunsiyo ni Oyo sa kanyang Instagram account ngayong Biyernes, April 1.
Mapapanood sa post ni Oyo ang video ng ultrasound ng kanilang panibagong baby ni Kristine.
Mababasa naman sa post ni Oyo ang caption na “And another one! You never fail to surprise us God. Thank you for this blessing!? #6weeks #KuyaKaleb #notaprilfools #forreal,”.
Si Oyo at Kristine ang magulang nina Ondrea Bliss, Kaleb Hanns at ang adopted son na si Quiel.
MOST READ
LATEST STORIES