COVID-19 recoveries sa Maynila, nasa 25,031 na

Karagdagang 44 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Martes ng tanghali (January 26), sumampa na sa 26,191 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 380 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 74 active cases.

Sumunod dito ang Tondo 1 na may 49 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 38 residente naman ang bagong gumaling at walang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 25,031 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 780 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

Read more...