Ito ang sinabi ni LTFRB Board Member Ariel Inton at aniya ito ay kung mapapatunayan na hindi sinuri ng husto ng operator ang pagkatao ng kanyang driver.
Giit ni Inton, ang mga ganitong uri ng driver ay walang karapatan na magmaneho ng anumang uri ng pampublikong sasakyan.
Sinabi pa ng opisyal na maaari din maharap sa kasong kriminal ang driver base sa isasampang reklamo ng kolehiyala at ng ama nito.
Dagdag pa ni Inton, irerekomenda na rin nila ang pagkansela ng driver’s license ng taxi driver.
Inireklamo ang naturang taxi driver matapos mag masturbate nito sa loob ng kanyang taxi habang sakay ang tatlong kolehiyala.