Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa 100.28 milyon

Pumalo na sa mahigit 100.28 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 100,286,772 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 25,861,597 cases.

Sumunod na rito ang India na may 10,677,710 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 8,872,964 naman ang kaso sa Brazil habang 3,738,690 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 3,669,658
– France – 3,057,857
– Spain – 2,697,294
– Italy – 2,475,372
– Turkey – 2,435,247
– Germany –  2,154,656
– Colombia – 2,027,746
– Argentina – 1,874,801
– Mexico – 1,771,740
– Poland – 1,478,119
– South Africa – 1,417,537
– Iran – 1,379,286
– Ukraine – 1,194,328
– Peru – 1,099,013

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,149,496 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 72,315,474 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...