Kaso ni Sen. JV Ejercito, nai-raffle na sa Sandiganbayan

jv-ejercitoNairaffle na ang kaso ni Senador JV Ejercito kung saan napunta sa 5th Division ng Sandiganbayan ang kasong katiwalian laban sa senador at iba pa.

Ang 5th Division ng Sandiganbayan ang siya ring dumidinig sa kasong plunder at graft ng kaniyang kapatid na si Senador Jinggoy Estrada.

Binubuo ang 5th Division nina Justices Roland Jurado, Rafael Lagos at Maria Theresa Mendoza Arcega.

Napunta naman sa bagong likhang 6th Division ang kasong technical malversation ni Ejercito kasama ang iba pang kinasuhan sa Sandiganbayan matapos ang kwestyonableng pagbili ng mga high powered firearms na ang ginamit na pondo ay para sa disaster relief.

Nangyari ito noong 2008 habang alkalde pa si Ejercito ng San Juan City.

Read more...