Mga taga-Benguet pinag-iingat sa UK variant ng Covid-19

By Erwin Aguilon January 26, 2021 - 10:06 AM

Nanawagan ns Benguet caretaker at ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap sa mga residente ng lalawigan ng Benguet na maging maingat kaugnay sa bagong Covid-19 UK variant.

Pinayuhan ni Yap ang mga constituents na gawin ang lahat ng pag-iingat laban sa UK variant ng COVID-19.

Makikipagpulong rin sa local authorities ng Benguet si Yap para sa mga ilalatag na hakbang laban sa mas nakakahawang strain ng virus.

Tiniyak naman ng kongresista na tuluy-tuloy ang monitoring ng kanyang tanggapan at ang Benguet local government officials katuwang ang Department of Health (DOH) upang maiwasan ang tuluyang pagkalat ng B117.

Pahayag ito ng kongresista makaraang maitala ang 12 kaso ng bagong strain ng B117 sa karatig lalawigan ng Mt. Province at isang pasyente sa La Trinidad Benguet.

 

TAGS: benguet, COVID, eric yap, UK variant, benguet, COVID, eric yap, UK variant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.