Mga batang 10-14 taong gulang, bawal pang lumabas ng bahay

By Chona Yu January 26, 2021 - 08:54 AM

Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naunang desisyon ng Inter Agency Task Force na pinapayagan nang makalabas ng bahay ang mga batang nag-eedad ng 10 hanggang 14 taong gulang.

Nababahala kasi ang Pangulo na matamaan ng sakit na Covid 19 ang mga bata lalo’t may kumakalat ngayon na bagong variant galing ng United Kingdom.

“Iyong restrictions na lifting the age for 10 to 14 age group sa MGCQ areas na palabasin na ‘yung mga 10 to 14, I am compelled. It has nothing to do with their incompetence, not at all. Ang akin is a precaution because there is or there was or is a [variant] discovered in the Cordillera that is very similar to the dito sa United Kingdom,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Sa naunang desisyon ng IATF, maari nang makalabas ng bahay ang mga nag-eedad ng 10 hanggang 65 taong gulang.

“So balik ho kayo sa bahay muna and besides 10 o — ‘yung 10 years old to 14… Itong medyo matanda na mahirap ito i-manage but itong mga 10, 11, 12 puwede na ‘yan sila sa TV. They can glue their attention sa TV the whole day,” pahayag ng Pangulo.

“Pasensiya na po kayo. Mine is just a precaution. Wala itong bisa… Takot lang ako kasi itong bagong strain strikes the young children. Itong original na COVID, hardly if at all, na wala kang marinig na may bata. Mayroon one or two and you can count it by the fingers of your hands kung ilan ang bata na tinamaan,” pahayag ng Pangulo.

Sa ngayon, 17 katao na ang nagpositibo sa UK variant na nasa Pilipinas.

 

 

TAGS: age limit, COVID, duterte, IATF, UK variant, age limit, COVID, duterte, IATF, UK variant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.