Anti crime crusader, tumestigo kontra bigtime carnap suspects

dominguez brothers
Inquirer file photo

Sumalang sa unang pagkakataon sa witness stand ang car dealer na si Arsenio “Boy” Evangelista sa Quezon City Regional Trial Court kaugnay sa pagdinig sa kasong carnapping at pagpatay sa kaniyang anak na si Venzon Evangelista.

Itinuturong nasa likod nito ay si Raymond Dominguez na lider ng Dominguez Carnapping Group.

Gayunman, tanging sa civil aspect ng kaso lang pinayagan ni QC-RTC Judge Rafael Hipolito na tumestigo si Boy Evangelista matapos harangin ng depensa ang kaniyang pagsalang para tumestigo.

Paliwanag ng depensa, maituturing daw kasi na hearsay ang sasabihin ni Evangelista lalo pa’t wala naman siya ng mangyari ang pagtangay sa kaniyang sasakyan.

Sa pagdinig, ikinuwento ni Evangelista kung paano natangay ng grupo nina Dominguez ang kaniyang ibinebentang SUV.

Matapos na ma-i-road test ang sasakyan ay hindi na naibalik ito tangay din si Venzon Evangelista na kinalaunan ay nakitang patay.

Read more...