Fuga Island sa Cagayan, hindi malayong maging probinsya ng China – Kilos Pinoy
Iginiit ng isang grupo na hindi malayong maging probinsya ng China ang Fuga Island sa bahagi ng Aparri, Cagayan.
Ito ay dahil walang patid ang pagtatayo ng isang gusali ng mga negosyanteng Instik sa naturang lugar.
Napaulat kasi na nagtatayo ang China ng $2 bilyong halaga ng tinatawag na “smart city” sa nasabing isla.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng Kilos Pinoy Para sa Pagbabago na mukhang napapabayaan na ng lokal na pamahalaan ng Cagayan ang lugar.
“Nakakagalit ang mga ulat na tila pinapabayaan na ng lokal na pamahalaan ng Cagayan ang mga Pilipino sa sarili nating bansa,” ayon sa grupo.
Tanong pa nito, “dahil ba may investment ang Tsina sa naturang isla?”
Napaulat din na bukod sa “smart city,” may investment ang China na P12.16 billion para sa Grande at Chiquita islands sa Subic Bay.
Kaya naman hrit ng grupo, dapat maimbestigahan ng Senado ang isyu sa Fuga Island at kung ano ang kapalit ng investment ng China sa bansa.
Giit ng grupo, “Huwag nating hayaan na maging second-class citizens tayo ng sarili nating bansa dahil lamang sa perang ipinapasok ng Tsina sa bansa. Baka magising na lang tayo, nasakop na tayo ng Tsina.”
Samantala, sinabi ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na welcome sa kanila ang anumang ikakasang imbestigasyon ukol sa anila’y maling ulat na ibinenta ang Grande at Chiquita Islands.
“First of all, I would like to point out that Grande and Chiquita have not been sold – they are still the property of the Philippine government,” ani SBMA chairman and administrator Wilma Eisma.
“If someone would want an investigation of the Grande Island investment project, then I say, by all means get on with it!,” saad pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.