Panukala upang mapadali ang pagbabayad ng buwis, pasado na sa komite sa Kamara

By Erwin Aguilon January 25, 2021 - 05:14 PM

Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukala upang gawing madali ang pagbabayad ng buwis.

Layunin ng House Bill 7881 o “Ease of Paying Taxes Bill” na inakda ni Albay Rep. Joey Salceda, pinuno ng komite, na mapuksa ang kurapsyon sa pagbabayad ng buwis.

Bukod dito, hangad ng panukala na ma-modernize ang paraan ng pangongolekta ng buwis ng Bureau of Internal Revenue o BIR, matiyak na ang mga buwis ay mababayaran at makokolekta sa pinakamagaan at madaling paraan at mabibigyang proteksyon ang kapakanan ng taxpayers.

Nakasaad dito na ang mga taxpayer kasama ang Overseas Filipino Workers o OFWs ay maaaring mag-apply ng tax identification numbers o TIN, maghain at magbayad ng buwis na hindi na kinakailangan ang physical appearance o pagpunta sa mismong tanggapan ng BIR.

Itinatakda rin sa panukala na maitaas ang “tax morale” o ang pagiging masigasig ng mga Pilipino na bayaran ang kanilang mga obligasyon.

Ayon kay Salceda, sa loob ng maraming taon ay napakahaba at mahirap na proseso sa pagbabayad ng buwis kaya naman bukas ito sa pang-aabuso.

Kabilang naman sa main features ng naturang panukala ang uniform documentation para sa VAT transactions at pagpapadali sa mga hinihinging requirement sa tax filing ng maliliit na negosyo o micro-enterprises.

TAGS: 18th congress, Ease of Paying Taxes Bill, House Bill 7881, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Joey Zarate, 18th congress, Ease of Paying Taxes Bill, House Bill 7881, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Joey Zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.