Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (January 25), umabot na sa 514,996 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 29,282 o 5.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,581 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.6 porsyento ang asymptomatic; 0.51 porsyento ang moderate; 2.6 porsyento ang severe habang 4.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 50 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 10,292 o 2.00 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 13 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 475,422 o 92.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.