Gobyerno pinakikilos ni Sen. Bong Go sa mataas na presyo ng pagkain

By Jan Escosio January 25, 2021 - 02:35 PM

Nanawagan si Senator Christopher Go sa gobyerno na gumawa ng mga paraan para maibsan ang pagtaas na halaga ng karne ng baboy ay iba pang mga pagkain.

Kasabay nito ang kanyang hiling na mapagbuti ang seguridad sa pagkain sa bansa ngayon patuloy ang pakikiharap sa pandemya.

“Kailangan natin itong solusyonan, lalong-lalo na sa panahon ngayon na marami pong mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho. Walang pambili ng pagkain ang mga ‘yan, tataas pa ang presyo, mas lalong mahihirapan ang mga kababayan natin,” sabi ng senador.

Radyo Inquirer File Photo

Hinihimok ni Go ang gobyerno na gawing prayoridad ang pagtugon sa kagutuman, pagbili ng mabisa at sapat na anti-COVID 19 vaccines at pagpapasigla ng ekonomiya para sa trabaho at kabuhan ng mamamayan.

Aniya ang unang magandang hakbang ay magpalabas ang Malakanyang ng executive order para magkaroon ng price ceiling sa halaga ng karne ng baboy at iba pang pagkain sa mga pamilihan.

“Kung maaari po, ang gobyerno na po ang pumasan sa mga problemang ito, huwag lang po mapunta sa ordinaryong mamamayan ang dagdag na pasakit ng mahal na bilihin,” dagdag pa ni Go.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.