‘Mga bagong leader at mamamayan,’ hindi Cha-Cha! – Bishop Broderick Pabillo
Ang mga namumuno at mamamayan ang kailangan na magbago at hindi ang Saligang Batas.
Ito ang naging mensahe ng homiliya ni Bishop Broderick Pabillo, sa pagselebra niya ng Banal na Misa sa Sanctuario de San Jose sa Mandaluyong City.
Giit niya ang mga tao ang kailangan ng pagbabago at hindi ang sistema.
“It will be transformed if we have transformed leaders and transformed citizens,” aniya patukoy sa sistema sabay dagdag, “we all long for the transformation of our beloved Philippines. We believe that this transformation will not be brought about by any change of the Constitution or by any foreign direct investment.”
Sabi pa niya maaring mangyari ang kinakailangan pagbabago ng tao kung babasahin at isasabuhay ang mga Salita ng Diyos.
“The Word of God in the Bible can’t just change each of us. It can change the society, our country. We should take the Bible to heart for it to be our inspiration in our prayers and in life. We will not be misguided in our decisions if we consider the will of God as told in the Bible,” sabi pa ng Manila archdiocese administrator.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.