Gayunpaman, sinabi ng senador na nakakabahala ang pangyayari at sa kanyang palagay ay pagpapakita ito ng unprofessionalism at pamumulitika sa AFP.
“Dapat natin tandaan na ang politicized at unprofessional armed forces noong panahon ni Marcos ang syang naging dahilan ng disunity at coup plots nung dekada 80 at 90. Tinatanggap natin ang apology subalit dapat seryusuhin ng liderato ng AFP na walang puwang ang unprofessionalism at incompetence sa ating AFP,” ayon kay Pangilinan, na naging UP Student Council chairman.
Una nang humingi ng paumanhin ang AFP Civil – Military Operations Office sa insidente.
Umaasa ang senador na seryosong iimbestigahan ng AFP ang pangyayari at hindi na mauulit ito sa pagsasabing, “dapat pahintuin at parusahan na ng military ang mga gumagawa nitong pag-re-red-tag. Dahil sa maling pag-label sa mga tao, nagiging target sila ng panggigipit at pinakamalala pa, pagpatay.”