2020 tax collections ng BIR umabot sa P1.94 trillion

By Jan Escosio January 25, 2021 - 01:44 PM

Nalagpasan  ng Bureau of Revenue ang kanilang 2020 collection target.

Ipinapalagay ng kawanihan na ang kanilang mataas na koleksyon ay bunga ng pinaigting nilang kampaniya laban sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Sinabi ni BIR Comm. Caesar Dulay, 86 porsiyento ng nakolektang P1.94 ay binayaran sa pamamagitan ng electronic payment gayundin ang P21.5 milyon o 94 porsiyento ng P22.86 million tax returns.

Noong nakaraang taon, 4.37 milyon ang bagong business taxpayers na nagparehistro sa BIR at nagpapakita ito ng pagtaas ng 6.15 porsiyento mula sa 4.11 milyon noong 2019.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III naiintindihan naman ang pagbaba sa koleksyon ng BIR noong 2020 bunga ng matinding epekto ng krisis pangkalusugan.

Umaasa ito na ngayon taon ay mapapagbuti pa ng BIR ang kanilang koleksyon sa buwis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.