Mga barko ng Japan, dadaong sa pantalan ng Subic sa Olongapo City

japan barko
Inquirer file photo

Paparating sa bansa ang mga barko at submarinong pandigma ng bansang Japan ngayong Linggo.

Ayon kay Philippine Navy Public Information Office Chief Capt. Lued Lincuna, dadaong sa Alava Pier Subic Bay Freeport Zone sa Olongapo City ang barkong sasakyan ng tropa ng Destroyer Escort Division.

Ani Lincuna, sakay ang mga sundalo ng Japan sa dalawang barko Ariake at Setogiri.

Ang Destroyer Escort Division ay pinangungunahan ni Capt. Haruhiko Morisita habang ang Training Submarine Division 1 ay pinamumunuan ni Capt. Hiroaki Yoshino.

Sinabi ni Lincuna na magtatagal ang tropa ng hapon dito sa bansa mula April 3 hangggang April 6.

Pangunahing pakay ng pagtungo sa bansa ng mga sundalong Hapon ang good will visit at pagpapakita ng magandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Japan.

Read more...