Clippers binitbit ni Kawhi Leonard kontra Thunder, 108 – 100

By Jan Escosio January 25, 2021 - 12:09 PM

Napantayan na ng Los Angeles Clippers ang Los Angeles Lakers sa standing, 13 – 4, ang pinakamataas sa kasalukuyang NBA season.

Ito ay matapos talunin ng Clippers ang Oklahoma Thunder, 108 -100, sa pangunguna ni Kawhi Leonard na tumikada ng 34 puntos.

Ito ang ikalawang pagkapanalo ng Clippers sa Thunder sa loob ng tatlong araw.

Nag-ambag naman si Ivica Zubac ng 10 puntos at humugot ng 11 rebounds para sa Clippers.

Samantala, 17, 14 at 13 puntos naman ang ginawa nina Serge Ibaka, Reggie Jackson at Paul George.

Nagpakalat naman si Shai Gilgeous-Alexander ng 23 puntos para sa Thunder, na nakalapit pa ng anim na puntos sa loob ng huling dalawang minuto ng laro ngunit pinatahimik sila ng matinding dunk ni Leonard 42 segundo na lang ang natitira.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.