Travel ban sa non-US citizens ipinapatupad uli ni President Biden

Bilang bahagi ng pagpapaigting ng kanilang pagtugon sa COVID 19 pandemic, ipinag-utos ni US President Biden ang muling pagpapatupad ng ‘travel ban’ sa mga non-US citizens na bumiyahe sa Britain, Brazil, Ireland at malaking bahagi ng Europe.

Kasabay nito, palalawigin naman ni Biden ang umiiral ng travel ban sa mga nagmula sa South Africa kasabay na rin ng mga kaso ng pagkakahawa ng bagong variants ng coronavirus.

Sa kanyang pag-upo bilang bagong pangulo ng Amerika noong nakaraang linggo, agad pinahigpitan ni Biden ang pagsusuot ng mask gayundin ang pag-quarantine sa mga pumapasok sa US.

Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng kanyang diskarte sa pagharap ng US sa lumalala pang krisis dulot ng COVID 19.

Una nang inanunsiyo ni Biden na maaring sa pagpasok ng buwan ng Pebrero, aabot na sa kalahating milyon ang kanilang COVID 19 death toll.

Read more...