BREAKING: Halos dalawang libong kaso ng COVID-19 naitala ngayong araw; 53 namatay

By Erwin Aguilon January 24, 2021 - 04:02 PM

Nakapagtala ang Department of Health ng halos dalawang libong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 513,619 ang bilang ng mga nagkasakit.

Ito ay matapos makapagdagdag ng 1,949 na nagpositibo kaya umakyat na sa 27, 765 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 7,729 ang gumaling kaya umabot na ito sa 475, 612.

53 naman ang nadagdag sa nasawi kaya umakyat na ito sa 10, 242.

Ang Davao City naman ang may pinakamarating naitalang kaso na umabot sa 99 na sinundan ng Quezon City na 98, ang lalawigan ng Cavite naman ang pumangatlo na mayroong 74 at sinundan ng Baguio City na mayroong 73 at ang lalawigan ng Leyte naman ay nakapagtala ng 63 kaso.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.4% (27,765) ang aktibong kaso, 92.6% (475,612) na ang gumaling, at 1.99% (10,242) ang namatay.

Limang laboratoryo naman ayon sa DOH ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos.

 

TAGS: COVID-19, doh, COVID-19, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.