Abandonadong bahay nasunog; dalawang bumbero sugatan

By Erwin Aguilon January 24, 2021 - 02:17 PM

Dalawang bumbero ang nasugatan sa sunog na sumiklab sa isang abandonadong bahay sa Barangay South Triangle, Quezon City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection- National Capital Region, nagsimula ang sunog dakong 11:02 ng umaga na umabot lamang sa unang alarma.

Pag-aari ng isang alyas Lino ang dalawang palapag na bahay.

Nakilala ang mga nasugatan na sina FO2 Resonable Dariel ng La Loma Fire Station  na nagtamo ng bahagyang sugat sa kaliwang kamay at ang fire volunteer na si James Pilapil na nagkaroon naman ng 1st degree burn sa kaliwa ring kamay.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa ground floor ng bahay.

Tinataya namang aabot sa P50,000 ang iniwang pinasala ng sunog.

Idineklara itong fire out dakong 12:42 ng tanghali.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.

 

TAGS: BFP, quezon city, sunog, BFP, quezon city, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.