Pag-hack sa website ng Comelec, nagpapatuloy

By Erwin Aguilon April 01, 2016 - 05:05 PM

comelec bldgIniulat ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na patuloy ang pag-hack sa website ng Commission on Elections o Comelec.

Pinakabago sa sinabotahe ang masterlist ng mga rehistradong botante na matatagpuan sa precinct finder base ng poll body.

Gayunman, sinabi ni Ronald Aguto, hepe ng NBI Cybercrime Division na walang dapat ikabahala sa nabanggit na pangyayari, dahil ang tinarget ng mga hackers ay hindi naman nag-iingat ng mga krusyal na datos.

Sinabi ng eksperto na ang masterlist ay isang public record na ang access ay hindi maaaring ipagkait sa mga mamamayan.

Ayon pa kay Aguto, ang pinaka-latest na pag-hack sa Comelec ay hindi maaaring makaapekto sa tunay na bilang ng mga registered voters dahil ang master’s list ay nananatiling intact o hindi nagagalaw.

TAGS: Comelec website, Comelec website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.