Mga credit card companies na nangha-harass ng mga may-utang na kliyente kinalampag ni Rep. Ong
Kinalampag ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong ang mga credit card companies dahil sa ginagawang pananakot sa kanilang mga card holders.
Ayon kay Ong, marami siyang natatanggap na ulat simula noong Bagong Taon na maraming credit card companies ang gumagawa ng “notorious practice” sa pamamagitan ng harassment sa mga klieyente na mayroong pagkakautang.
Sinabi ito ni Ong, na ginagawa ito ng mga credit card company sa kabila nang nararanasang mental at emotional stress dulot ng COVID-19 pandemic.
Tinatakot anya ng mga ito ang kanilang mga cardholders na sasampahan ng kaso kapag hindi binayaran ang kanilang mga pagkakautang.
Sa pamamagitan anya ng mga collecting agents sinasabihan ang mga kliyente na ipapa-freeze ang bank accounts o kaya naman ay maghahain ng foreclosure case sa property ng mga cardholders.
“This intimidation, this flexing of their power is wrong and insensitive. We are still in the pandemic where life is hard and the issuing banks are not focusing on the issue at hand but are even going after other unrelated accounts, loans and properties of the helpless consumers, effectively shutting down their other financial means,” saad ni Ong.
Iginiit ni Ong, ginagawa ito ng mga credit card company kahit na karamihan sa mga tinatakot na may pagkakautang ay panahon na sakop ng Bayanihan 1 at 2 kung saan binibigyan ng grace period para mabayaran ang kanilang mga obligasyon.
Paliwanag ni Ong, “The real issue is not about the late payments of credit cardholders but the big neglect on the part of banks to either compute the right amount in due or simply show a breakdown which portions of the loans were affected by the grace periods and where do the accrued interests and penalties come from.”
Dapat anyang hindi nagreresulta sa pannanakot ng mga bangko sa mga may pagkakautang sa kanila bagkus maari naman anyang magbigay ng ”reasonable timeframe”para makapagbayad ang kanilang mga kliyente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.