Mahigit dalawang milyong medical workers nakinabang na sa libreng sakay ng DOTr
Tuloy pa rin ang pagbibigay ng libreng sakay ng Department of Transportation sa mga health workers sa bansa.
Sa datos ng DOTr, nakapagtala na sila ng kabuuang 2,044,780 na nakinabang sa programa.
Sa nasabing bilang, 562,245 ang total ridership sa NCR-Greater Manila, habang 1,482,535 naman sa iba pang mga rehiyon.
Malalaman din ang aktwal na lokasyon ng mga vehicle units, maging ang 20 ruta ng libreng sakay sa Greater Manila, sa website, at mobile app ng Sakay.ph.
Samantala, ayon sa datos ng Road Sector ng DOTr, umabot sa kabuuang na 43 sasakyan ang nagagamit para sa libreng sakay.
Ayon sa DOTr, katuwang nila sa programa ang Petron Corporation na nagbibigay ng fuel subsidy sa mga transport companies na kasali dito.
Ipinagmalaki rin ng ahensya na nananatiling libre ang toll sa lahat ng expressway sa Luzon para sa mga medical workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.