Logistics ng pamahalaan dapat ihanda sa delivery ng COVID-19 vaccine

By Erwin Aguilon January 24, 2021 - 08:47 AM

 

Hinikayat ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang mga economic managers ng gobyerno na ihanda ang national vaccine logistics para sa mabilis na distribusyon ng COVID-19 vaccines sa buong bansa.

Ayon kay Salceda, dapat gawin ito nina Finance Secretary Carlos Dominguez at Budget Secretary Wendel Avisado.

Bukod dito, pinayuhan din ng kongresista ang mga local government units at Department of Health na kailangang maging handa sa delivery ng COVID-19 vaccines.

Paliwanag nito, ang problema sa procurement ng COVID-19 vaccines ay kalahati lamang ng totoong problema sa roll-out ng vaccines at mas malaki aniya ang mawawala sa bansa kung huli na itong maihahatid sa publiko.

Ang kasalukuyan aniyang sistema ng bansa sa delivery ng bakuna para sa iba’t ibang sakit ay nakakawala ng kumpyansa para sa efficient na delivery ng COVID-19 vaccine.

Tinukoy pa ni Salceda na sa Estados Unidos, 16.5 million doses lamang ng COVID-19 vaccines ang na-administer mulansa 35.9 million doses na binili ng US dala na rin ng mga backlog issues tulad ng kakulangan ng mga tauhan, storage, at vaccination sites.

Iginiit nito na mahalagang matuto ang Pilipinas sa karanasan ng ibang bansa para sa mas maayos na logistics ng vaccination program.

Pinangangambahan ng mambabatas na ilan sa mga malalaking problema sa roll-out ng COVID-19 vaccine ay transport sa mga bakuna, supply dependability, at vaccine sites.

 

 

 

 

TAGS: Albay Rep. Joey Salceda, covid 19 vaccine, Sec. Carlos Dominquez, Sec. Wendel Avisado, Albay Rep. Joey Salceda, covid 19 vaccine, Sec. Carlos Dominquez, Sec. Wendel Avisado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.