Paggastos sa P4.5T 2021 national budget masusing babantayan ng Kamara
Siniguro ni House Committee on Appropriations Chairman Eric Yap na babantayang mabuti ng kanyang komite ang gagawing paggasta ng pamahalan sa P4.5T national budget ngayong taon.
Ayon kay Yap, hindi natatapos ang trabaho ng Appropriations Committee sa pag-apruba at pagsasabatas ng budget.
Sinabi ng kongresista na gagamitin ng komite ang kanilang oversight function upang masilip kung saan gugugulin ang 2021 national budget.
Sisiguruhin din anya ng kanyang komite na bawat piso na galing sa buwis ng taumbayan ay direktang mapapakinabangan ng mga Pilipino.
Dagdag pa sa sisilipin ng komite ang paraan ng paggastos sa Bayanihan 1 at 2 partikular na sa mga ahensyang may natanggap na report ng iregularidad.
Irerekomenda ni Yap na sibakin sa pwesto ang sinumang mapapatunayang sangkot sa korapsyon sa paggugol sa pondo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.