EO para mapigilan ang pagtaas ng presyo sa karneng baboy at manok, ihinirit ni Senador Bong Go

By Chona Yu January 23, 2021 - 12:16 PM

Photo credit: Sen. Bong Go

Umaapela si Senador Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng isang executive order para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng baboy at manil sa bansa.

Ayon kay Go, dapat na magtakda ng price ceiling ang ehekutibo.

Tumataas ang presyo ng manok at baboy dahil sa kakulangan ng suplay dahil sa African swine fever.

“Umaapela ako sa executive department na pag-aralan ang pag-i-impose ng price ceiling sa karneng baboy at manok sa bansa upang mapigilan ang tuloy-tuloy na pagtaas nito. Marami po sa ating mga kababayan, lalo na ang mga minimum wage earners, ang hindi ma-afford nito,”pahayag ni Go.

Suportado din ni Go ang balak ng Deparment of Agriculture na dagdagan pa ang pag-aangkat ng karneng baboy para maibaba ang presyo nito.

“Kung maari po, ang gobyerno na po ang pumasan sa mga problemang ito, huwag lang po mapunta sa ordinaruong mamayan ang dagdag na pasakit ng mahal na bilihin,” pahayag ni Go.

Una nang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na target ng pamahalaan nag awing triple ang Minimum Access Volume sap ag-aakat ng karne.

Sa ngayon, nasa 54,000 metrikong tonelada ang inaangkat na karneng baboy ng bansa kada taon.

 

 

TAGS: bong go, Executive Order, karneng baboy, manok, Rodrigo Duterte, bong go, Executive Order, karneng baboy, manok, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.