Mga probinsyang kabilang sa election watchlist areas, nadagdagan pa ayon sa PNP
Nadagdagan pa ang listahan ng mga probinsya na pasok sa Election Watchlist Areas (EWA) ng Philippine National Police (PNP) habang papalapit ang araw ng halalan.
Ayon kay PNP Chief Director Gen. Ricardo Marquez, idinagdag na rin nila sa listahan ang probinsya ng Abra, Nueva Ecija at Lanao del Norte.
Ani Marquez, bagaman walang malaking insidente na nangyari sa naturang mga lugar, bahagi daw ito ng kanilang pro-active measure upang matiyak na magiging mapayapa ang halalan.
Lumabas sa initial assesment ng PNP na mahigpit ang labanan ng mga kandidato sa naturang mga probinsya.
Kabilang sa election watchlist areas ng Commission on Elections ang probinsya ng Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Lanao del Sur, Maguindanao at Western Samar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.