Pamilya ng mga sundalo at pulis, prayoridad na rin sa Covid 19 vaccination program

(File photo)

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na isama na rin sa mga prayoridad na bibigyan ng bakuna kontra Covid 19 ang asawa at mga anak ng mga sundalo at pulis.

Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng mga sundalo sa Jolo, Sulu, sinabi nito na inabisuhan na niya si vaccine czar Carlito Galvez na isama na sa mga uunahing maturukan ang mga pamilya ng mga sundalo at pulis.

Kinakailangan lamang aniya na magpunta sa mga kampo para maturukan ng bakuna.

“So ang sunod niyan is — mauna kayo. And if the Secretary Galvez would — sabihin ko sa kanya kasali na ‘yung pamilya ninyo. Magpunta ‘yung mag-inject sa mga kampo, tuturukan pati ‘yung mga anak ninyo,” pahayag ng Pangulo.

Uunahin din ng Pangulo na maturukan ng bakuna ang mga mahihirap na isang kahig, isang tuka.

“So ‘yung lahat sabi ko una ‘yung mga mahirap. Iyon talagang mga mahirap na isang tuka, isang kahig. Unahin ko ‘yon pati ‘yung uniformed service kasi eh kung paano kung magkasakit itong lahat. Paano — how can we function a government with a sick soldier or policeman in your midst,”dagdag ng Pangulo.

Read more...