9.7 ektaryang lupa, ipinamahagi sa mga magsasaka sa Palawan

Photo courtesy: Department of Agrarian Reform

 

Aabot sa 9.7 ektaryang lupang sakahan ang ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform sa walaong magsasaka sa Brgy. Guadalupe sa Coron, Palawan.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, ipinamahagi ang lupa sa ilalim ng Serbisyong DAR-to-Door program.

Ang Serbisyong DAR-to-Door ay programa ng ahensiya kung saan personal na inihahatid ni Castriciones ang certificates of land ownership award (CLOAs) sa mismong bukirin o pamamahay ng mga magsasakang tatanggap ng lupa.

“We visit various far-flung communities to give hope to the farmers. To show them that if we can personally deliver the land titles they’ve been dreaming of for many years, we can do more to make their lands become more productive,” pahayag ni Castriciones.

Layunin aniya ng programa na ilapit ang pamahalaan sa pamamahay ng magsasaka upang maramdaman nila na ang administrasyon ay nasa kanilang panig.

“Binibisita namin ang mga malalayong komunidad upang magbigay pag-asa sa mga magsasaka. Upang ipakita sa kanila na kung maihahatid namin ng personal ang mga titulong matagal na nilang minimithi, marami tayong magagawa upang gawing mas produktibo ang mga lupaing ito,” pahayag ng kalihim.

 

Read more...