Walang pang petisyon ang mga manggagwa para sa dagdag sahod – DOLE
Hinog na ang panahon para sa mga petisyon ng dagdag sahod, ngunit ayon sa National Wage and Productivity Commission (NWPC) wala pa silang natatanggap na pormal na hiling para sa umento.
Sinabi ni NWPC Exec. Dir. Criselda Sys a 17 rehiyon sa bansa, tanging sa Cagayan Valley at SOCCSKSARGEN Regions lang wala pang isang taon ang huling pagbibigay ng dagdag sahod sa pribadong sektor.
Nakasaad sa batas, makalipas ang 12 buwan maari na muling maghain ng petisyon para sa umento.
Una nang nanawagan ang ibat ibang labor groups ng dagdag sahod sa katuwiran na lalong naghihirap ang buhay ng mga ordinaryong manggagawa dahil sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin.
Dagdag ni Sy sa darating na Enero 27 ay ipapalabas nila ang bagong omnibus rules para sa pagsasagawa ng konsultasyon at pagdinig ng kanilang regional boards ukol sa petisyon sa taas-sahod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.