Fil-Am, kabilang sa mga nasawi sa terror attack sa Brussels

fil-am brussels
Photo from Gail Minglana Martinez’ FB account

Isang Filipino-American na babae ang kabilang sa mga nasawi sa naganap na terror attack noong March 22 sa Brussels Airport sa Belgium.

Batay sa ulat, kinilala ang biktima na si Gail Minglana Martinez, 41 years old na kasama ang kanyang asawa at apat na anak nang mangyari ang insidente.

Nananatili pa rin sa Intensive Care Unit o ICU ang asawa ni Martinez na nakilalang si Lt. Col. Kato Martinez ng US Air For habang ang kanilang apat na anak ay ginagamot sa isang ospital sa Brussels.

Nabatid na katatapos lamang ipagdiwang ng mag-asawa na nakabase sa Corpus Christi sa Texas ang kanilang 21st wedding anniversary nang maganap ang insidente.

Sa isang pahayag, kinumpirma na ng kinatawan ng Corpus Christi na si Blake Farenthold ang pagkamatay ni Martinez.

Pumalo sa tatlumpu’t dalawa katao ang nasawi sa marahas na terror attack sa Brussels.

Read more...