Ngunit higit dalawang linggo pa na susubaybayan ang kondisyon ng real estate agent, ayon sa pahayag ng pamahalaang-lungsod.
“The doctors at the quarantine facility where he is staying will make a final assessment before he is allowed to reunite with his family and reintegrate with the community,” base pa din sa inilabas na pahayag
Magugunita na nagbalik ito sa Pilipinas mula sa Dubai, UAE noong Enero 7 kasama ang kanyang kasintahan.
Sa pamamagitan ng contact tracing, 213 sa mga nakasalamuha ng lalaki ang natunton kabilang ang mga kapwa pasahero na sakay ng Emirates flight EK332 at 15 sa kanila ang nag-positibo sa COVID 19 pati na ang kanyang kasintahan na kasama sa kanyang biyahe.
Inaasahan bukas malalaman mula sa Philippine Genome Center kung taglay din ng mga nag-positibo ang UK variant ng coronavirus.