1st Pinoy na tinamaan ng UK variant COVID 19 negatibo na sa virus

By Jan Escosio January 22, 2021 - 04:08 PM

Negatibo na ang 29-anyos na residente ng Quezon City na naitalang kauna-unahang kaso ng UK varian COVID 19 sa bansa.

Ngunit higit dalawang linggo pa na susubaybayan ang kondisyon ng real estate agent, ayon sa pahayag ng pamahalaang-lungsod.

“The doctors at the quarantine facility where he is staying will make a final assessment before he is allowed to reunite with his family and reintegrate with the community,” base pa din sa inilabas na pahayag

Magugunita na nagbalik ito sa Pilipinas mula sa Dubai, UAE noong Enero 7 kasama ang kanyang kasintahan.

Sa pamamagitan ng contact tracing, 213 sa mga nakasalamuha  ng lalaki ang natunton kabilang ang mga kapwa pasahero na sakay ng Emirates flight EK332 at 15 sa kanila ang nag-positibo sa COVID 19 pati na ang kanyang kasintahan na kasama sa kanyang biyahe.

Inaasahan bukas malalaman mula sa Philippine Genome Center kung taglay din ng mga nag-positibo ang UK variant ng coronavirus.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.