DPWH may ikinakasang muli na road repair sa Metro Manila

By Chona Yu April 01, 2016 - 03:35 PM

road-constructionPinaalalahanan ng Department of Public Works and Highways ang mga motorista na iwasan ang ilang kalsada sa Metro Manila.

Ito ay dahil sa may isasagawa na naman na road repair ang DPWH simula mamayang alas diyes ng gabi na tatagal hanggang sa Lunes ng madaling araw.

Kabilang sa kukumpunihing kalsada ang Southbound lane ng 3rd lane ng A. Bonifacio sa gilid ng Manila North Cemetry at malapit sa Kanto ng Abao sa Quezon City.

May reblocking din sa 1st lane ng CP Garcia Street pagkalagpas ng Jacinto Street sa QC.

Ayon sa DPWH, inaasahang matatapos ang nasabing mga road repair at magiging passable na sa mga motorista sa Lunes, alas singko ng madaling araw.

TAGS: DPWH road repair, DPWH road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.