Mariing kinondena ng National Union of Peoples Lawyers o NUPL ang malupit at walang pusong pamamaril sa mga magsasaka sa Kidapawan City, Cotabato.
Tinawag ni NUPL Secretary General Atty. Edre Olalia na isang uncivilized at barbaric act ang ginawang pamamaril sa mga hindi namang armadong pamilya ng mga magsasaka na humihingi lamang ng tulong.
Ayon sa NUPL, nakahanda silang magbigay ng ligal na tulong sa mga inaaping magsasaka sa Cotabato at hindi hahayaang mahalintulad ito sa sinapit ng mga magsasaka sa Escalante, Negros, Mendiola, Lupao at Luisita Massacre.
Ang NUPL na itinatag noong Setyembre 2007 ay isang voluntary association ng mga human rights lawyers sa buong bansa na layuning ipaglaban, protektahan at isulong ang karapatang pantao ng mga inaapi lalo na ang mga mahihirap na pilipino.