7.1 magnitude na lindol sa Davao Occidental, walang malaking pinsala

Walang malaking danyos sa mga ari-arian ang 7.1 magnitude na lindol na tumama sa Davao Occidental.

Ayon kay Phivolcs director Renato Solidum, wala silang natanggap na ulat na may mga nasira.

Labing -limang aftershocks na ang naitala ng Phivolcs.

Ayon kay Solidum, maaring madagdagan pa ito.

Wala naming tsunami warning na inilabas ang Phivolcs.

Intensity V ang naramdaman sa General Santos City, habang Intensity IV sa Davao City at Intensity II sa Bisig City at Surigao del Sur.

 

Read more...