Panukalang batas para i-institutionalize ang UP-DND accord, “reasonable” – Roque

By Chona Yu January 21, 2021 - 03:33 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

“Reasonable” para kay Presidential spokesperson Harry Roque ang inihaing panukalang batas sa Senado na i-institutionalize ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at University of the Philippines ukol sa presensya ng militar at pulis sa unibersidad.

Ayon kay Roque, welcome ito para maging batas.

Inihain, araw ng Miyerkules (January 20), ang Senate Bill 2002 na naglalayong amyendahan ang UP Charter of 2008.

Pero ayon kay Roque, ipinauubaya na ng Palasyo sa mga mambabatas ang pagtugon sa naturang usapin.

Tungkulin aniya ng mga mambabatas na bumalangkas ng mga batas na mayroong national interests.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na tinanggap na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kanyang alok na gamitin ang kanyang tanggapan para magkaroon ng dayalogo kay UP president Danilo Concepcion.

Gayunman, wala pang tugon si Concepcion sa alok ni Roque.

Una rito, humihirit si Concepcion na irekonsidera ni Lorenzana ang desisyon na ibasura na ang 1989 UP-DND accord.

TAGS: danilo concepcion, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Delfin Lorenzana, Sec. Harry Roque, Senate, UP Charter of 2008, UP-DND accord, danilo concepcion, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Delfin Lorenzana, Sec. Harry Roque, Senate, UP Charter of 2008, UP-DND accord

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.