30 – 40 million doses ng COVID-19 vaccine, darating sa bansa sa mga susunod na araw
Aabot sa 30 hanggang 40 million doses ng bakuna kontra Covid 19 ang inaasahan nang darating sa bansa sa mga susunod na araw.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na galing sa Gavi vaccine alliance COVAX facility.
Libre ang bakuna.
Dahil magkakaroon na ng bakuna ang Pilipinas, kumpiyansa si Galvez na matutugunan na ang problema sa COVID-19.
Sa ngayon, pursigido ang pamahalaan sa pag-aayos sa mga storage facility para paglagyan ng bakuna.
Isa-isa na ring binisita at inispeksyon ni Galvez ang mga storage facility.
Kabilang na rito ang sa Unilab sa Biñan, Laguna; RITM sa Muntinlupa City; at Zuellig sa Parañaque City.
Pagtitiyak ni Galvez, sapat ang storage facility para sa mga bakuna.
Ayon kay Galvez nasa Manila, Cebu at Davao ang mga storage facility.
60 hanggang 70 million na Filipino ang target na mabakunahan ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.