Sunog sa Faculty Center ng UP Diliman, naideklara nang fire-out

By Mariel Cruz April 01, 2016 - 03:08 PM

UP sunog
INQUIRER / NIÑO JESUS ORBETA

Tuluyan nang naapula ang sunog sa Faculty Center ng University of the Philippines Diliman sa Quezon City matapos ang labing isang oras.

Opisyal na idineklarang fire-out ang sunog kaninang 11:25 ng umaga.

Ayon kay Crisfo Diaz, regional director for operations ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region, posibleng may kaugnayan sa kuryente ng dahilan ng sunog na nagsimula sa Bulwagang Rizal na nasa ikatlong palapag.

Sinabi rin ni Diaz na nakadagdag sa paglaki ng sunog ang mga light materials kabilang na ang mga papel, libro at iba pang dokumento na nasa loob ng gusali.

Nang lumaki aniya ang apoy, dito na posibleng nadamay ang mga electrical site o posible rin na sa electrical site mismo nagsimula ang naturang sunog.

Pumalo sa tatlong milyong piso ang pinsalang dinulot ng sunog na umabot sa Task Force Alpha.

Hanggang ngayon ay inaalam pa rin ng mga imbestigador ang totoong dahilan ng naturang sunog.

Matatagpuan sa Rizal Hall o Bulwagang Rizal ang opisina ng College of Arts and Letters, faculty rooms ng College of Social Sciences and Philosophy at ang UP Creative Writing Center.

Matatandaang noong nakaraang taon, nasunog rin ang food center ng College of Arts and Sciences Alumni Association at ang UP Alumni Center.

TAGS: UP Diliman fire, UP Diliman fire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.