Prosekusyon kontra sa pagdalo ni Sen. Jinggoy Estrada sa proclamation rally ng anak
Naghain ng mosyon sa Sandiganbayan ang panig ng prosekusyon na kumokontra sa nais ni detained Sen. Jinggoy Estrada na makadalo sa proclamation rally ng anak.
Sa inihain ng opposition ng prosecution panel sa 5th division ng Anti-Graft court, iginiit na mabigat na kaso ang pandarambong na kinakaharap ni Estrada.
Ipinunto din ang naunang pagtanggi ng korte na payagan si Estrada na makapag piyansa dahil malakas ang ebidensiya laban sa kanya.
Kamakalawa hiniling ng senador na payagan siyang makalabas ng PNP Custodial Center sa Camp Crame para makadalo sa proclamation rally ng anak na si San Juan City Councilor Janella Ejercito Estrada bukas.
Katuwiran ni Estrada na obligasyon niya bilang ama na saksihan ang nabanggit na okasyon.
Sa kahilingan nito nais niyang makapunta sa Pinaglabanan Shrine sa lungsod ng San Juan bukas mula alas 8 ng gabi hanggang alas 11 ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.