Sa inilabas na 4pm update ng DOH, karagdagang 1,783 kaso ang naitala at sa kabuuang bilang, may 30,126 pang aktibong kaso o 5.9 porsiyento.
Samantala, naiulat din ang 74 namatay dahil sa sakit kayat umaabot na sa 10,116 ang namamatay sa bansa dahil sa COVID 19.
Kahapon lang lumagpas sa 10,000 ang namamatay sa bansa dahil sa COVID 19 sa bilang na 10,042
Kasabay naman nito, karagdagang 500 gumaling ang naitala at 467,475 ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit ang nakarekober.
MOST READ
LATEST STORIES