COVID 19 vaccine manufacturer ng India gustong magbenta ng bakuna sa Pilipinas

Inanunsiyo ng Food and Drug Administration (FDA) na nagsumite na ng kanilang aplikasyon para mabigyan ng emergency use authorization (EUA) ang Bharat Biotech ng India para maibenta sa bansa ang kanilang COVID 19 vaccine na Covaxin.

Sinabi ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo ang aplikasyon ng Bharat Biotech ay isinumite sa kanila kanina lang umaga.

Ang Bharat Biotech ang pang-limang pharmaceutical company na nagsumite ng aplikasyon para mabigyan ng EUA sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Domingo, nasimulan na ang pre-evaluation sa aplikasyon ng nabanggit na kompaniya.

Sa ngayon, tanging ang aplikasyon pa lang ng US-based Pfizer ang kanilang naaprubahan.

May nakabinbin na rin EUA ang Gamaleya Research Institute ng Russia, Sinovac Biotech ng China at AztraZeneca ng Britain.

Read more...