Sa pag-iikot ni VP Binay sa Samar, nakita ng bise presidente ang kahirapan na dinaranas ng mga residente sa rehiyon.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, ang abogado ni VP Binay, isa sa problema na hahanapan ng solusyon ng bise presidente ay ang kahirapan sa naturang lalawigan.
Sinabi ni Quicho na ang susi sa nasabing problema ay magkaroon ng mahusay at modernong agrikultura sa rehiyon.
Makatutulong aniya ang pagkakatanggal sa irrigation fee sa mga magsasaka dahil mababawasan na ang puhunan na kailangan nila at mas tataas na ang kanilang kikitain.
Isusulong aniya ni VP Binay ang pagbibigay ng subsidiya sa mga mangingisda na makakatulong sa araw-araw na pagpalaot ng mga ito.
Binanggit din ni Quicho na sa karanasan at kakayahan ni VP Binay, maiibsan ang kahirapan sa Region 8 at maging sa buong bansa.