Pagkakatanggal ng irrigation fee, ipaglalaban ni Vice Pres. Jejomar Binay
Ipaglalaban ni presidential candidate at Vice President Jejomar Binay ang pagkakatanggal sa irrigation fee na binabayaran ng mga magsasaka.
Sa pag-iikot ni VP Binay sa Samar, nakita ng bise presidente ang kahirapan na dinaranas ng mga residente sa rehiyon.
Ayon kay Atty. Rico Quicho, ang abogado ni VP Binay, isa sa problema na hahanapan ng solusyon ng bise presidente ay ang kahirapan sa naturang lalawigan.
Sinabi ni Quicho na ang susi sa nasabing problema ay magkaroon ng mahusay at modernong agrikultura sa rehiyon.
Makatutulong aniya ang pagkakatanggal sa irrigation fee sa mga magsasaka dahil mababawasan na ang puhunan na kailangan nila at mas tataas na ang kanilang kikitain.
Isusulong aniya ni VP Binay ang pagbibigay ng subsidiya sa mga mangingisda na makakatulong sa araw-araw na pagpalaot ng mga ito.
Binanggit din ni Quicho na sa karanasan at kakayahan ni VP Binay, maiibsan ang kahirapan sa Region 8 at maging sa buong bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.