Malakanyang: Presyo ng bibilhin bakuna malalaman ng publiko

By Chona Yu January 21, 2021 - 03:48 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Tiniyak ng Malakanyang na isasapubliko ang halaga ng bibilhing bakuna laban sa COVID 19.

Ngunit, ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, sa ngayon ay hindi pa ito maaring gawin dahil nagpapatuloy pa ang mga negosasyon.

“Ang karapatan po nating malaman ang halaga ay nasa Saligang Batas. Karapatan ng taumbayan sa mga impormasyon na nakakaapekto sa kanila at siyempre dahil pampublikong pera ang gagamitin diyan, may karapatan po,” aniya.

Dagdag lang nito, may desisyon ang Korte Suprema na may tamang panahon para sa karapatan na nakasaad sa Saligang Batas.

Katuwiran pa nito, napakaselan ng isyu kayat hindi muna maaring isapubliko.

Pagtitiyak lang niya na sa sandaling matapos ang negosasyon ay malalaman din ng sambayanan ang mga kasagutan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.