Ayon kay Lacson, pinakiusapan ni Galvez si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na makausap nito ang senador para humingi ng paumanhin sa kanyang mga nasabi.
Nagkaayos naman ang dalawa at nangako si Galvez na ibabahagi sa senador ang lahat ng detalye ukol sa pagbili ng mga bakuna, gayundin ang presyo ng mga ito.
Pag-amin ng senador, nalinaw sa kanila ng vaccine czar ang mga isyu at pangamba ng mga senador ukol sa National Vaccination Program at pinayuhan niya ito na ipaliwanag ang lahat sa pagpapatuloy ng pagdining ng Committee of the Whole bukas.
Inirerespeto din aniya nila ang mga kondisyon sa pagbili ng mga bakuna para hindi maapektuhan ang paggdating ng mga ito sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng taon.
Ngunit, sabi ni Lacson na pinayuhan nila si Galvez na mag-ingat sa mga tao na nakapaligid sa kanya dahil maaring tapat siya sa kanyang mga hangarin ngunit may mga ibang tao na maaring gamitin siya para sa pansariling interes.