11 pang NBA players nag-positibo sa COVID 19, 1 pang laro naunsyami
Hindi din natuloy ang paghaharap ng Memphis Grizzles at Portland Trailblazers dahil sa kabiguan ng una na magkaroon ng walong manlalaro.
Inanunsyo ng pamunuan ng liga, sa 502 manlalaro na sumailalim sa COVID 19 test noong January 13, 11 pang players ang nagpositibo.
Sa polisiya ng liga, ang sinoman na nag-positibo sa test o kahit ang mga naging close contact ng isang infected person ay kailangan ma-isolate o ma-quarantine.
Dahil sa contract tracing rule, nabigo ang Grizzles na magkaroon ng walong player kayat hindi na itinuloy ang laban nila kontra Blazers, ang pang-16 na laro na naunsyami simula sa pagbubukas ng season noong Disyembre 22.
Sa nakalipas na 11 araw, 15 laro ang hindi natuloy.
Samantala, sa kabila ng mga pangyayari sinabi ni NBA Comm. Adam Silver na hindi nila ipipilit na mabakunahan na ang kanilang mga players at mauna pa sa mga health workers, senior citizens at may medical conditions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.