Naghain ng panukala si Senator Pia Cayetano para sa pagkakaroon ng Vaccine Passport Program.
Layon ng Senate Bill No. 1999 na magkaroon ng tunay na monitoring sa pagbabakuna kontra COVID 19.
Paliwanag niya sa passport malalaman ang petsa ng bakuna, kung ano ang itinurok na bakuna, ilang dose na ang naiturok at ang lahat ng may kinalaman sa pagpapatupad ng vaccination program ng pamahalaan.
Bukod dito aniya sa passport, masusubaybayan din ng gobyerno ang pamamahagi ng bakuna, ang epekto nito sa mga tao, ang pagiging epektibo nito gayunin sa pagsasagawa ng post market surveillance.
Kalakip din ng ibibigay na passport ang ilang benepisyo depende sa pagsang-ayon ng Inter-Agency Task Force.
MOST READ
LATEST STORIES