Pagsasara ng Office of the Solicitor General na-extend hanggang Jan. 25 dahil sa COVID 19
Napalawig pa hanggang January 25 ang pagsasara sa Office of the Solicitor General (OSG) nang mag-positibo ang walong empleyado sa COVID 19.
“As of January 20, 2021, eight employees of the Office of the Solicitor General tested positive for COVID-19 through RT-PCR (reverse transcription-polymerase reaction) testing,” ayon sa pahayag ng OSG.
Ipinaliwanag na ang karagdagang araw ay kinakailangan para mapigilan pa ang pagkahawa at para bigyan daan ng pagsasagawa ng sanitation and disinfection.
Patuloy naman na magta-trabaho ang mga kawani sa pamamagitan ng ibat-ibang alternative work arrangements.
Hanggang sarado ang OSG, ang lahat ng mga dokumento ay maaring ipadala sa [email protected] at [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.